Recently, Jeff (
Mapanuri) is unable to join us in some of our after office activities. He's always been kinda busy with something that he needs to get home early. Last week he invited us to watch a stage play with him in the cast. So that's what keeping him busy for the past month.
As a support, he asked me to promote their play in my blog. Who am I not to give in to his request, my blog needs a little activity since it has been a little bit idle for the last two last months.
Teatrong Busko has always treated February as the best month to mount a stage play. On its 11th year, it ties up with 4thwall Organization to provide their audience two socially-relevant stage plays - “Hiblang Abo” by Rene Villanueva and “Hardin” by Merix Bartolo. Take a peek at the heartfelt stories behind the two plays that will crush your heart and feed your soul. Below are the synopses of the play.
HARDINBy: Merix Bartolo
Sa gitna ng isang tahimik na gabi makikita si Cris na nagpupumiglas sa kanyang nararamdaman habang ipinapaliwanag sa kanyang kasintahan ang mararamdaman niya pagkatapos siyang iwanan nito. Si Jay na kanyang kasintahan, na nasa kanyang tabi lamang ay susubukang patahanin si Cris at pilit na mangangatwiran sa para lamang mapagaan ang kanyang loob. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, malalaman na si Cris ay nakikipagusap lamang sa hangin. Dahil patay na ang kanyang pinakamamahal na kasintahan - si Jay. Makikita sa dula na ibinurol na pala si Jay sa kaniyang bahay. Sa paglipas ng mga kaganapan, napapansin si Misteryoso na nagsisilbing konsensya at tagapagsundo ni Jay. Pilit niyang ituturo kay Jay ang lahat na dapat niyang ginawa noong siya ay nabubuhay pa. Sa bawat eksena ay makikita ang bawat paghihinagpis ng mga kapamilya ni Jay habang idinadaos ang burol. Si Ryan ang matalik na kaibigan ni Jay noong hindi pa sila magkaaway, ay pupunta sa kaniyang burol at pilit na hihingin ang tawad sa lahat ng nagawa niyang mali sa kanya.Sa pagdaos ng kwento ay makikita ng mga manonood ang kahalagahan ng buhay. Ipapakita ng dula ang isang istorya na gigising sa kamalayan ng tao na dapat nilang pahalagahan ang bawat tao sa kanilang paligid sapagkat hindi malalaman ng kahit na sino kung kailan siya lilisan dito sa mundong ito.
HIBLANG ABOBy: Rene Villanueva
"Anong sumpa ito, anong sumpa?"… Kung ikaw ay matanda na, nag-iisa at walang kasiguraduhan sa kung anong aasahan sa kinabukasan, marahil ito rin ang masambit mo tuwing imumulat mo ang iyong mga mata upang salubungin ang isa na namang araw ng paghihintay sa kung ano man ang hindi dumating-dating.Ating tunghayan ang kuwento ng apat na matatanda, mula na rin sa pagsasalaysay ng isa sa kanila - kung paano sila nahubog ng kani-kanyang masalimuot na nakaraan, nakababagot na kasalukuyan, at ang nakakatakot ngunit hindi maiiwasang hinaharap. Tignan natin kung paano sasagutin nila Huse, Blas, Pedro at Sotero ang tanong na pilit idini-diin sa kanila ng mga pader ng aabuhing silid na nagmistulang tahanan o kulungan sa mga tulad nilang napagiwanan na ng kung anumang maihahandog ng mundong pisikal. Ito ba’y sa pamamagitan ng isang tula, o isang talumpati? Samahan natin sila sa pagbabalik tanaw sa masaklap na nakaraan, sa pagkumbinsi sa sarili na masaya naman ang kasalukuyan, habang hinihintay ang malungkot na pagwawakas - ang pagbaba ng telon.
For tickets, please contact:
Jeff: 09157865459
Kenneth: 09053409583
Playdates:
Feb. 12, 2010: 3PM and 6PM
Feb. 13, 2010: 3PM and 6PM
Feb 14, 2010: 12nn and 3PM
Venue:
Dominic Savio Auditorium
DBTC Mandaluyong